Pano ko ba idedetalye ang sarili ko? hhmm.... simple (?) (sana, haha). Morena ako na medyo may kaliitan (medyo lang naman). Sabi nila "EMO" daw ako, oo minsan emo ako as in emotional (sino ba naman ang hindi diba?). Emo daw kasi ako kung manamit at mamoram kaya sa akala nila emo talaga ako, pero screamo talaga ang genre ko. Tsaka hilig ko din makinig ng mga rock songs actually lahat ng type ng music gusto ko basta may touch ng rock, huwag lang yung tipong classical, opera o kaya rap (eeww). Hindi sa minamaliit ko ang mga yun, nangyari lang na ayoko sa ganung musika. Kanya kanya naman tayo ng gusto kaya respetuhan lang yan mga tol. Sabi ng ibang tao magugulo daw ang tipo kong musika (screamo songs) yung tipong hindi mo maiintindihan ang lyrics dahil puro scream lang ito. Ano bang magagawa nila eh mga ganun ang gusto ko (paki mo ba? .!.). kung pakikinggan mabuti magaganda naman talaga, hindi lang ma appreciate ng ibang tao kasi nga ayaw nila ng mga ganun. Ah basta kanya kanya tayo ng gusto, period!
Hilig ko din magsulat, maiikling kwento, love stories, poems (kailan lang ako nag simulang mag sulat ng mga poems, nahihirapan kasi ako sa rhyming eh). Mula nung elementary ako nagsusulat na'ko ng mga istorya, natatandaan ko grade 5 yata ako nun, at hanggang ngayon nagsusulat pa din ako. Iniipon ko lahat ng mga naisusulat ko at madami-dami na sila, sana balang araw ma i-publish ang mga naisulat ko o kaya mapanood ko sila sa tv (tv writer). That's one of my dream. Tahimik lang ako at hindi ma kwento, kaya kung ano ang nararamdaman ko ibinubuhos ko lang sa pagsusulat. Kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay pag-ibig ko dindaan ko sa pagsusulat, ginagawan ko ng istorya, basta may inspirasyon ako (friends, crush, love, boyfriend, family). Madami nakong naging crush kaya laging may nabubuong konsepto sa utak ko at nakaka gawa ako ng istorya. Yung ibang mga senaryo sa mga isinusulat kong istorya ay totoong nangyari iniiba ko lang ng bersyon pero kadalasan puro mga kathang isip ko lamang at kabaligtaran ang mga nangyari sa totoong buhay ko. Huwag mong itanong kung ilan na naging crushes ko dahil kung susumahin baka magkulang ang isang pad ng papel kung isusulat ko, ganun kadami. Natatandaan ko ang unang naging crush ko ay yung classmate ko nung grade 1 (Harold Garcia) at ang first love ko naman ay ang kapit-bahay namin (Dennis Gaspan) childhood friends kami at childhood sweethearts din. Pero ngayon may asawa na siya, nakaka lungkot pero kailangan tanggapin. Masaya nako kasi masaya na siya sa buhay niya. Mabalik tayo sa pagsusulat, tanging ang mga pinsan ko lang ang nakakabasa ng mga isinusulat kong istorya (Xhiela and Dang). Ay, nung high school pala ako nabasa ng ibang mga classmate ko ang mga ibang istorya ko. Masaya ako at nagustuhan nila ang mga sinulat kong istorya. Malayong malayo sa course ko ngayon ang hilig ko. Bachelor of Science in Nursing ang course ko (yun ang gusto ng parents ko). Pero ang gusto ko Mass Communication major in Journalism para masundan ko ang hilig at gusto ko. Gusto ko talagang maging writer, ayokong maging Nurse. May nagsabi sakin na pagsabayin ko nalang daw, yung bang Nurse nako at nagsusulat din ako, yung tipong sideline ko ang pagsusulat. Sa bagay may punto naman siya. Sa ganoong paraan nasunod ko na ang gusto ng parents ko nasunod ko pa ang gusto ko. Isang bagay pa pala through experiences kaya ako nakaka pagsulat. Minsan hindi ko natatapos isulat ang isang istorya kasi nawawalan ako ng gana o kaya naman tinatamad nako, kasi hindi ko na crush yung main character na lalake (kami kasi yung mga main characters sa mga istorya ko) kaya hanggat maaari bago ko matapos ang isang istorya ay dapat crush ko pa din yung main character na lalake (hahaha).
Kung may babaeng bersyon si Juan Tamad malamang ako na yun, walang duda ako talaga yun 100% ako talaga yun. Tamad talaga ako as in super tamad, mapa saan mang lugar lalo na sa bahay. Wala akong ginagawa sa bahay kundi kumain, matulog, manood ng tv, mag internet, mag text, etc. in short sarap buhay lang ako samin. Si mama halos lahat gumagawa ng mga gawaing bahay. May ginagawa pala ako, ako taga hugas ng plato at minsan nagsasaing din. Madalas kong sinasabi na mag babago nako pero hindi ko naman magawa-gawa, ewan ko ba kung bakit. Kapag may inuutos sakin madalas hindi ko sinusunod. Kapag naman kasi naglilinis ako agad nilang pinupuna mga ginagawa ko o kaya sinasabi nila na "wow himala naglilinis ka o kaya naman may sakit kaba?", kaya ayun naiinis ako. Pagdating naman sa school lagi akong late , magsimula yata nung elementarya ako hanggang college ako ay lagi nalang akong late (it's better late than never). Pano ba naman kasi ang aga-aga ng klase, eh hindi naman ako sanay na magising ng maaga isa pa mabagal akong kumilos at matagal ako sa harap ng salamin kaya ang ending late ako lagi. Pano kaya naglalagay pakp ng makakapal na eyeliner, as in makapal talaga. Kaya halos lahay ng tao maka salubong ko tumitingin sakin. Wala naman akong pakialam kahit nakatitig pa sila sakin. Buti ngayong college madalas pang hapon ako kaya hindi ko kailangang magising ng maaga. Pano kaya pag nag du-duty nako, hindi na kaya ako ma Le-Late? (wish ko lang). Seryoso naman ako sa pag-aaral ko syempre ayokong ma disappoint sakin ang mga magulang ko kaya pinag bubutihan ko talaga ang pag-aaral ko. Sabi nila hindi ka estudyante kung hindi ka nangungupit sa tuition mo, oo nangungupit ako pero barya lang naman, yung tipong konting halaga lang, kunwari may babayaran kaming 100 ang sasabihin ko ay 150. Hindi naman malaki ang kinukupit ko hindi tulad ng iba ng malalaking halaga ang kinukupit. Iniisip ko kasi na pinaghihirapan yun ng parents ko tapos kukupitin ko lang? Mabait naman kasi ako mukha lang hindi.
Madami akong kakilala, madami din akong kaibigan pero iilan lang sa kanila ang pinagkaka tiwalaan ko. Meron din akong mga kaaway, hindi naman ako pala away sila lang talaga ang umaaway sakin kaya lumalaban lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako inaaway (mga insekyorang palaka). First time kong nakipag away in public ay nung 1st year college ako sa 2nd floor ng McDonald pa yun. Sa nursing na kaklase ko ako nakipag away, kung ano-ano kasi mga masasama ang pinag sasabi sakin eh hindi naman totoo kaya ayun sinugod ka siya at inaway (taray ng lola mo 'teh). Huwag na nga nating pag usapan yan, nakakainis lang. Tulad nga ng sinabi ko madami akong kaibigan, mga ka barkada, yung mga nakakasama kong mag libot, tambay at kainuman pero wala sa kanila ang sinasabihan ko ng mga problema ko. Minsan yung pinsan ko na barkada ko na din (Xhiela) alam nya ang problema at mga nararamdaman ko. Pero hindi ko ito sinasabi sa kanya nalalaman lang niya kasi nababasa niya mga naisusulat ko. Hindi naman kasi talaga ako ma kwento lalo na sa love life ko, tinatago ko lang ito sa sarili ko. Ini-express ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsusulat. Kaya kung hindi ako nag susulat malamang nabaliw nako.
Mahirap para sakin na idefine ang sarili ko, hindi ko alam kung bakit. Minsan kasi hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pa iba-iba ako ng moods ng behaviors etc. Minsan nagkukulang din ako ng self-esteem o kaya nag se-self pity ako minsan. Alam ko naman na maganda ako (pakapalan ng mukha HAHA) pero syempre mas may maganda din naman sakin. Minsan iniisip ko na bakit kaya hindi ako naging kasing ganda niya, o kaya naging kasing yaman o kasing puti niya. Bakit kaya hindi na lang ako naging siya? Yung tipong mga ganung katanungan. Sabi ng isang prof namin sa Psychology "Don't put yourself on the shoes of others for you may not know what their journey in life is". Pagka sabi niya nun napa isip ako na tama siya, kailangan maging kuntento kung anung buhay meron ka ngayon at masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Minsan lang talaga nagiging ambisyosa ako. Kung talagang gusto kong maabot ang mga pangarap ko kailangangmag sumikap ako at yun ang gagawin ko. Think positive dapat palagi.
Lima na ang mga naging boyfriends ko. Hindi pa kasali dun ang mga naging ka fling/flirt at ka M.U ko as in malanding ugnayan haha. Super mapag mahal naman ako kahit na minsan nagiging super o.a ako. Pag ayaw ko na sa kanya bigla na lang akong hindi mag paparamdam, agad kasi akong nagsasawa. Wala kasi akong lakas ng loob na sabihin sa kanya na nagsawa nako kaya dinadaan ko na lang sa text o kaya sulat (old fashioned). Minsan din sila ang nang iiwan, kaya ang ending umiiyak ako, mag mumukmok ng ilang days pagka tapos nun wala na (moved on). May mga pagkaka taon na kahit may asawa na na aattract pa rin ako. Twice nako nagkaroon ng sweet relationship or fling sa may asawa na.Sina Fher at si Ralph (hindi pa sila kasal sa mga asawa nila live in lang). Minahal ko ng sobra si Ralph nakagawa pa nga ako ng istorya tungkol samin. Ilang months din kaming naging sweet (M.U) kahit na alam kong may asawa na siya at magkakaroon na sila ng anak, kahit na alam kong masasaktan din ako s ahuli at nangyari nga nasaktan nga ako. Nalaman kasi ng asawa niya ang tungkol samin. Nasa Japan ang asawa niya noon. Tinawagan ak ong asawa niya at kinausap pati nag mama niya kinausapa ak okung anu ba talaga nangyayari samin ni Ralph. Na guilty ako siyempre dahil may nasaktan at naloko kaming tao. Pagdating ng asawa niya sa Pilipinas tinawagan niya ako para makipagkita sa kanya at makipag usap pero ang ending inaway niya ako, wala naman akong magawa dahil alam kong ako ang may mali. Wala din magawa si Ralph siyempre mas kakampihan niya ang ina ng magiging anak niya, lalo pa konh nasaktan nung sinabi sakin ni Ralph na sana daw hindi na lang nita ako nakilala kung alam lang niyang mag aaway sila ng asawa niya. Kaya tinigil ko na ang pakikipagkita at pakikipagusap kay Ralph para matapos na din ang gulo. At natapos na nga ang kabanata ng buhay ko na yun, i moved on. Sa ngayon hindi ko pa rin nahahanap si Mr. Right na traffic yata siya at hanggang ngayon wala pa din siya sa bagay hindi naman ako nag mamadali sabi ng ng favorite Dj ko sa radio na si PApa Jack na "hindi requirement sa buhay ang magkaroon ng boyfriend". Ayus na rin yun atleast makakapag focus ako sa pag aaral ko. Wala din akong crush ngayon kaya wala akong maisulat na istorya. MAy hindi ako natapos na istorya hindi ko na kasi crush yung main character na lalake eh, pero hopefully ma tapos ko na siya kahit na hindi ko na crush yung main character.
Sinugat ko na rin ang kamay ko (cutwrist, i saw my wrist bleeding). Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa yun dahil siguro kailangan ko ng atensyon tsaka siguro expose ako sa ganitong genre kaya ginagaya ko mga ginagawa nila. Halos lahat ng tao nun nakatingin saking kamay (i love the fucking attention).
Mabait naman talaga ako kung mabait pero masungit din kapag sinungitan moko. Pasaway ako pag dating sa school, halos lahat ng bawal ginagawa ko. Nagpa hena tatoo ako sa wrist ko, nakita yun ng prof namin sabi niya alisin ko daw eh as if naman agad agad maaalis yun haler? kadalasan hindi din ako nag hahairnet kaya itong si manong guard lagi na lang akong hindi pinapapasok sa gate pag hindi ako naka hairnet paglampas naman sa gate inaalis ko na ang hairnet ko haha. Lagi akong naka nail polish ng black kaya itong si prof lagi akong nasasabihan na alisin ko hindi ko naman inaalis haha. Lagi din akong may makapal na eyeliner at may kulay din buhok ko ng konti. Ilang beses na akong na warning dahil sa kulay ng buhok ko, sabi nga ng isang c.i namin na gumawa ako ng incident report hindi naman ako gumawa haha. Pasaway talaga (care mo?)
Actually first time kong mag sulat ng tagalog. Pwera dun sa mga isinusulat kong istorya. Gusto kong sumali sa Mirror ng school namin (all about wriring and publishing) try kong mag hulog sa box nila ng isang istorya ko baka sakaling matanggap ako (cross fingres).
Ang tipo kong lalake? Wala! As in wala talaga haha. Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo (pero halos lahat ng bf's ko gwapo) Okay na sakin yung ma appeal kahit hindi gwapo. Kapag kasi nakita ko ang isang lalake alam ko gusto ko na siya, basta nakaramdam ako ng spark yun na yun (soooo teleserye). Madali kasi akong mahulog sa isang lalake lalo na kapag sweet siya sakin. Gusto kong mapangasawa ay dapat may katangian tulad ng daddy ko; walang bisyo, mapagmahal,malambing, mabait, may takot sa Diyos, loyal, faithful, lahat na yata nasa daddy ko na hehe. Mga ganung katangian naman talaga ang hinahanap ng mga babae sa isang lalake, sana lang isang araw makita ko talaga ang lalakeng ganun at kapag nangyari yun hinding hindi ko na siya papakawalan pa. Mamahalin ko siya ng buong buo.
Pagdating ng araw kapag nagka pamilya nako sigurado marami akong maikukwento sa mga magiging anak ko. Kwento ng buhay ko kung ano ang mga naranasan at nangyari saking makulay na buhay.